Tinuturing ng Kabushikigaisha Technohi (tatawagin sa panlahatang pangalan na Kompanya) na isang mabigat na pananagutan bilang tagahawak ng personal data, na iingatan sa paraang nararapat ang lahat ng personal data
Paalala 2(tatawaging Personal Data) na ipinagkatiwala ng lahat ng kliyente (tatawaging Kinauukulan) sa amin.
1. Pangongolekta ng Personal Data
Kapag humihingi ang Kompanya ng Personal Data mula sa Kinauukulan, ipapaliwanag muna nito ang pakay na paggagamitan (tatawaging Pakay).
Subalit, hindi kami obligadong magbigay ng paliwanag sa mga susumunod na pagkakataon:
○ Kapag ang Personal Data ay ibinigay sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa aming tauhan sa marketing o sa palitan ng business card.
○ Kapag ito ay nanggaling sa business card na ibinigay sa iba’t-ibang event, fair o seminar.
Maliban na lamang kung tumanggi ang Kinauukulan, ang mga impormasyon na nakalap sa ganitong mga pagkakataon ay maaaring gamitin sa aming marketing katulad ng pagpapadala sa pamamagitan ng e-mail ng patalastas o impormasyon tungkol sa iba’t-ibang produkto at serbisyo ng Kompanya at maging sa pagbibisita sa inyong tanggapan.
2. Pangangasiwa ng Personal Data
Upang maiwasan ang ilegal na pagbunyag, pagbago, pagkawala o paggamit sa ibang pakay ng Personal Data, pinangangasiwaan ng Kompanya ang mga Personal Data sa isang kapaligiran na may akmang seguridad alinsunod sa batas, pampublikong direktiba at guideline at maging panloob na alituntunin.
Gayundin, gumagawa kami ng kinakailangang edukasyon at pagpapaliwanag sa aming mga tauhan hinggil sa tamang paghawak ng Personal Data.
3. Paggamit ng Personal Data
Bilang patakaran, hindi gagamitin ng Kompanya ang Personal Data sa ibang pakay maliban na lamang sa mga sumusunod na sitwasyon.
(1) |
Kapag may pahintulot sa Kinauukulan.
|
(2) |
Kapag gagamitin sa pakay na hindi matutukoy ang indibidwal (katulad ng statistical data).
|
(3) |
Kapag ang paggamit sa ibang pakay ay pinapayagan ng batas, pampublikong direktiba at guideline.
|
4. Paglalabas ng Personal Data sa Pangatlong Partido
Maliban na lamang sa mga sumusunod na sitwasyon, hindi ilalabas ng Kompanya sa pangatlong partido ang mga Personal Data.
(1) |
Kapag may pahintulot sa Kinauukulan. |
(2) |
Kapag gagamitin sa pakay na hindi matutukoy ang indibidwal (katulad ng statistical data). |
(3) |
Kapag ito ay inilalabas ng Kompanya sa mga ahente o consignee na may katungkulang protektahan ang sekretong impormasyon (tatawagin sa panlahatang pangalan na Business Partners) upang isakatuparan ang Pakay sa saklaw ng mga gawaing kailangan lamang. |
(4) |
Kapag sa palagay namin, nararapat lamang sagutin ng Business Partner ang tanong ng Kinauukulan mula sa impormasyon na taglay ng kompanya. |
(5) |
Kapag kinakailangang ibigay sa isang institusyong pinansyal ang Personal Data para sa credit settlement kaugnay sa pagbibili ng produkto o paggamit ng serbisyo ng kompanya. |
(6) |
Kapag ang bahagi ng operasyon ng Kompanya ay nailipat sa ibang kompanya (sisikapin namin na maiwasan ang pagkakaroon ng ilegal na pagbunyag o paggamit sa ibang pakay ng mga Personal data sa nalipatang kompanya). |
(7) |
Kapag pinapayagan ng batas, pampublikong direktiba o guideline ang paglabas ng impormasyon sa pangatlong partido. |
(8) |
Kapag naatasan ng korte o opisinang administratibo, alinsunod sa batas, na magharap ng impormasyon. |
5. Mga Katanungan tungkol sa Personal Data
Kapag may hiling mula sa Kinauukulan tungkol sa paglilinaw ng sariling Personal Data, pagbabago o pagtatama nito, tutugunan ito ng Kompanya sa paraang alinsunod sa alituntunin nito. Makipag-ugnay lamang sa Seksyon ng aming kompanya na pinagbigyan n’yo ng Personal Data o sa may katungkulan (kapag ibinigay n’yo ang Personal Data sa pamamagitan ng aming website, pumunta lamang sa lugar para sa mga katanungan sa nasabing website.)
Sa pagkakataong ito, maaaring hilingin ang katiyakan na ito ay mula sa Kinauukulan, upang maiwasan ang ilegal na pagkalap ng Personal Data o pagbago nito ng pangatlong partido.
6. Tungkol sa Inyong mga Opinyon at Kahilingan
Pinapalagay ng Kompanya na malaya nitong gamitin ang mga opinion, kahilingan o mungkahi na ipinapaabot n’yo sa amin, maliban na lamang kung may isinaad na kondisyon sa paggamit nito.
Kailangan ng pahintulot mula sa Kinauukulan upang ihayag namin sa publiko o ilabas sa pangatlong partido ang opinyon o mungkahi na mututukoy ang Kinauukulan.
7. Tungkol sa Personal Data sa Website
7.1 Paggamit ng CookiePaalala 3at IP AddressPaalala 4
Ginagamit lamang ng Kompanya sa pinangangasiwaan nitong website ang cookie at IP address para sa mga sumusunod na pakay.
(1) |
Upang matrouble-shoot ng sanhi ng mga problemang nangyayari sa server at mabigyan ito ng kalutasan. |
(2) |
Upang mapaganda ang nilalaman ng website at e-mail. |
(3) |
Upang maiugma sa pangangailangan ng bawat kliyente ang nilalaman ng website at e-mail. |
(4) |
Sa aming Membeship Service kung saan ang Personal Data ay itinatala muna, maaaring gagamitin sa aming marketing ang inyong browsing history at resulta ng survey. |
(5) |
Paggamit bilang Statistical Reference na hindi natutukoy ang indibidwal. |
Maaaring tanggihan ng Kinauukulan ang cookie na ginagamit ng aming Kompanya sa pamamagitan ng pag-set ng “deny” sa cookie set-up sa internet browsing software (tatawaging browser).
Subalit, bilang resulta nito, maaaring hindi n’ya magagamit ang ibang functions.
7.2 Pagbibigay ng Link sa ibang site
May pagkakataong nagkakaroon ng link sa ibang website ang website ng Kompanya.
Maingat naming pinipili ang website na nilalagyan namin ng link. Subalit maliban sa website namin, hindi namin pananagutan ang proteksyon ng Personal Data at ang mga nilalaman nito.
8. Pagsunod sa Batas
Mahigpit naming sinusunod ang batas hinggil sa Personal Data at ang panloob na alituntunin ng kompanya.
Marso 2022
Kabushikigisha Technohi
Presidente
Taro Sakuma
Alinsunod sa mga pagbabago ng batas, pampublikong direktiba at guideline at maging ng panloob na alituntunin, may pagkakataong binabago at tinatama namin ang aming Patakaran tungkol sa Privacy. Maari lamang tiyakin n’yo ito nang paulit-ulit.
Paalala 2 |
Ang “Personal Data” ay ang mga personal na impormasyon na kinakalap ng kompanya katulad ng Buong Pangalan, Edad, Kaarawan, Sex, Tirahan, Telepono, E-mail adres, Lugar ng Trabaho at Numero ng Credit Card na ang bawat isa o ang kombinasyon nito ay maaaring tumukoy sa isang indibidwal. |
Paalala 3 |
Ang “Cookie” ay isang indibidwal na impormasyon na napapanatili sa panig ng browser at ito’y ipinapadala ng server sa browser upang mapapangasiwaan nang mahusay ang website. |
Paalala 4 |
Ang “IP address” ay isang numerong tumutukoy sa computer na nag-a-access sa isang server (hindi nito matutukoy ang gumagamit.). |
|