TECHNO Hi DOOR TO DOOR TEL.03-3522-8924
 
Top Page Pagpapadala ng Bagahe Tungkol sa Kompanya
Para sa mga Katanungan
Mga katanungan sa pamamagitan ng e-mail Patakaran tungkol sa privacy 
May alam ba kayong mapadalhan sa Pilipinas nang mura at sigurado? Sumangguni po lamang sa amin. TECHNO Hi 日本語サイトへ 
 
Pagpapadala ng Bagahe
 
The prohibited articles
 
pinakabagong impormasyon

TECHNO Hi Pagpapadala ng Bagahe DOOR TO DOOR

【Tungkol sa Produkto】
Ang Pagpapadala ng Bagahe ay isang uri ng serbisyong naghahatid ng bagahe mula sa tirahan ng kliyente sa Japan sa pamamagitan ng pagbiyahe sa barko patungo sa Pilipinas. Matapos makuha ang kargamento sa pantalan sa Pilipinas at mapagbuklod-buklod ang mga bagahe ayon sa lugar, ito ay matiwasay na ihahatid sa batwat tirahan ng tatanggap ng bagahe sa Pilipinas.

【Laki ng Kahon (Ayon sa espesipikasyon ng aming kumpanya)】
Big(Malaki)  … 73 cm×56 cm×64 cm
Medium(Katamtaman)  … 62 cm×47 cm×62 cm
Small(Maliit)  … 63 cm×48 cm×32 cm
※Maari kayong magpadala ng ibang sukat maliban sa sukat ng aming kahon. Mangyari lamang ay makipag-ugnayan sa amin.

【Presyo ng pagbabagahe papuntang Pilipinas】  (Binago sa petsa 4/1/2022)

Sukat ng Kahon Manila
Bulacan, Cavite
Laguna, Rizal
Pampanga
Nueva Ecija
Tarlac, Bataan
Other Luzon Visayas Mindanao,
Other Islands
BIG Size (73cmx63cmx56cm) 11,000円 11,000円 12,000円 13,000円 14,000円
MEDIUM Size (62cmx48cmx62cm) 10,000円 10,000円 11,000円 12,000円 13,000円
SMALL Size
(63cmx48cmx32cm)
7,000円 7,000円 8,000円 9,000円 10,000円

【Mga karagdagang pamasahe sa ibang rehiyon sa Japan】
BIG Size
73x56x63cm
MEDIUM Size
62x47x62cm
SMALL Size
63x48x32cm
Mga Lugar na saklaw ng
aming taga pik-ap

Tokyo·Kanagawa·Chiba·Saitama

(May mga piling lugar sa pook na
ito na hindi na din namin saklaw,
makipag-ugnayan po sa amin).
0円 0円 0円
Sagawa
(Limit 50kg)
Yamato Home
Convenience
(Limit 80kg)
Sagawa
(Limit 50kg)
Yamato Home
Convenience
(Limit 60kg)
Sagawa
(Limit 30kg)
Mga Lugar na hindi na saklaw
ng aming taga pik-ap

Kanagawa·Chiba·Gunma
Toshigi, Ibaraki, Yamanashi
0円 1,000円 0円 1,000円 0円
Miyagi, Fukushima, Yamagata
Niigata, Shizuoka, Aichi, Gifu
Nagano, Toyama, Ishikawa
Fukui, Shiga, Kyoto, Hyogo
Osaka, Nara, Wakayama, Mie
0円 1,000円 0円 1,000円 0円
Aomori, Iwate, Akita 2,000円 2,000円 2,000円 2,000円 1,000円
Okayama, Tottori, Shimane
Hiroshima, Yamaguchi, Ehime
Kagawa, Tokushima, Kochi
1,000円 2,000円 1,000円 2,000円 500円
Fukuoka, Nagasaki,Kumamoto
Oita, Saga, Miyazaki
Kagoshima, Hokkaido
2,000円 2,500円 2,000円 2,500円 1,000円

Ang impormasyong nakasaad dito ay ginawa ayon sa kasalukuyang panahon at maaaring magbago ng walang abiso.
Kung ang bagahe ay manggagaling sa malalayong Isla sa Japan maaring sumangguni muna sa amin.
Para naman sa malalayong paghahatiran ng bagahe sa Pilipinas, ito ay may karagdagang singil. May mga malalayong lugar, Isla at kritikal na lugar sa Pilipinas na maaaring hindi posible ang paghahatid, kaya kinakailangan itong pik apin lamang sa opisina o bodega ng lokal na kumpanyang may hawak ng inyong bagahe. Maari po kayong sumangguni sa aming sa iba pang detalye.

【Bilang ng araw ng pagbabagahe】
Nagpapalabas kami ng container kada linggo para sa bagaheng papuntang Pilipinas. Mula sa pag-alis ng barko, maihahatid ang bagaheng papuntang Maynila ng humigit-kumulang 3-linggo o mahigit pa. Sa parteng Luzon naman ay humigit-kumulang 4 na linggo o higit pa at sa Visayas/Mindanao naman ay isa at kalahati buwan o mahigit pa. Sa parteng mga Isla naman ay humigit kumulang 2 buwan. May mga pagkakataon na naantala ang pagdating ng barko sa Pilipinas dahil sa lagay ng panahon o problema sa pantalan, pagsisikip sa pantalan at iba pang dahilan. Gayundin ang panahon bago o pagtapos ng Kapaskuhan ay abalang-abala kaya kung maaring ipadala ang inyong bagahe sa mas maagang panahon upang maiwasan and pagkakaantala ng paghahatid ng bagahe.

【Paraan ng pagpapadala ng bagahe】
Umorder lamang ng kahon ayon sa laki ng inyong gagamitin. Kung ang inyong ipapadalang gamit ay hindi naaayon sa sukat ng aming mga kahon, sumangguni lamang sa amin.

Ang packing list(Information Sheet) at sample kung paano pipil-apan ay nakalakip sa inyong inorder na kahon.
Pil-apan mabuti ito, ilagay ng malinaw ang pangalan, address at numero ng telepono ng nagpadala at tatanggap ng bagahe, gayudin ang bilang at halaga ng nilalaman ng inyong bagahe. Importante po ito kaya huwag pong kakalimutan.

Kung tapos nang maihanda ang bagahe, tumawag po sa amin upang mapagkasunduan ang araw at oras ng pagpik-ap ng bagahe.

Ang packing list(Information Sheet) ay carbonized. Ang unang kopya ay para sa nagpadala at ang ikalawa at ikatalong kopya ay ibabalik sa amin. Ito ay ilalagay sa sobre at ididikit ng maayos sa ibabaw ng inyong bagahe. Pero kung ang pipik-ap ng bagahe ay aming tauhan, iaabot itong lahat kanya at siya po ang magbibigay ng inyong kopya.
※Ang packing list ay importante para sa Customs Clearance kaya isulat ang tamang bilang at halaga ng nilalaman ng inyong bagahe.

Ang inyong bayad ay maaaring iabot sa aming tauhan sa oras ng inyong pik-ap(maliban lang sa ilang lugar sa Tokyo, Chiba, Kanagawa at Saitama).
Sa mga lugar na hindi saklaw ng aming pinagpipik-apan, ipinadadala ang inyong bayarin sa koreo matapos mapik-ap ang inyong bagahe.
Matapos itong matanggap ay maaari na po ninyong bayaran sa malapit na convenient store.
Maari din po kayong magbayad sa aming itinalagang bangko o sa Post Office kung kayo po ay hindi na makapaghintay sa inyong bayarin.

Kapag dumating na ang inyong ipinadalang bagahe sa Pilipinas, paki suring mabuti ang bagaheng natanggap kung may sira at nawawala at iba pa.
Kung maayos na ang lahat ay lagdaan ang dokumento at magkumento sa natanggap na bagahe na dala ng tauhang naghatid ng inyong bagahe sa Pilipinas.

【Panuntunan】
Mangyaring sumangguni sa amin.


Maaari lamang sumangguni tungkol sa pagpapadala rito.
Makipag-ugnay lamang sa amin tungkol sa detalye. TEL.03-3522-8924 
E-mail:dtd@technohi.com

 
Copyright @ 2006 Techno Hi Co., Ltd.All rights reserved.